Umakyat na sa mahigit siyam na milyon ang bilang ng mga na-administer na bakuna kontra COVID-19 sa buong bansa.
Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, nasa 9,281,235 na ang kabuuang bilang ng mga coronavirus jabs na naibigay sa mga prayoridad na sektor na kinabibilangan ng mga health care workers, matatanda, mga taong may comorbidities, economic front-liners, at indigent population sa mga piling lugar.
Ipinagmalaki ni Galvez na patunay ito na maganda ang tinatahak ng vaccination program ng pamahalaan.
Kasabay nito, inanunsiyo ng kalihim na limang libo pang vaccination sites ang target na mabuksan ng gobyerno habang nasa labing-isang milyong doses pa ng bakuna ang darating sa susunod na buwan.