Tuluyan nang nasawi ang bihag na Malaysian national ng Abu Sayyaf at nailigtas ng militas sa Banguingui Sulu noong nakaraang linggo.
Kinilala ang biktima na si Jari Bin Abdullah na nasawi dahil sa mga tinamong tama ng bala nang barilin ng kanyang mga kidnappers sa kasagsagan ng rescue operations ng militar sa Simusa Island noong Abril 4.
Ayon sa militar, namatay ang biktima sa West Metro Medical Center sa Zamboanga City matapos magpasiya ang pamilya nito na tanggalin na ang kanyang life support.
Sa ipinalabas na pahayag ni Wesmincom Chief Lt. General Arnel dela Vega, nagpaabot ito ng taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Abdullah.
Tiniyak din ni Dela Vega na kanilang ginagawa ang lahat para tuluyang magapi ang Abu Sayyaf at mabigyan ng hustiya ang lahat ng naging biktima ng kanilang terorismo.
Si Abdullah ay kabilang sa dawalang iba pang mangingisda na dinukot ng bandidong grupong Abu Sayyaf noong December 6, 2018.
—-