Lumobo na sa 118 milyong piso ang halaga ng naipaabot na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao noong December 2.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Social Welfare Assistant Secretary Irene Dumlao na tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong ng ahensya sa mga apektadong residente partikular sa region 11 at Caraga.
Kaugnay nito, inihayag ni Asec. Dumlao na nasa 300 indibidwal pa ang nananatili sa mga evacuation center.