Aabot na sa 98.39% ang naipamahaging cash aid sa mga residenteng naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, tinatayang P11 bilyon na ang halagang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.
Karamihan din anya sa mga LGU ay naka-kumpleto na ng kanilang distribusyon.
Una nang namahagi ang gobyerno ng tig-isanlibo hanggang P4K tulong pinansiyal para sa mga low-income individuals at families na apektado ng ECQ na ipinairal sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.—sa panulat ni Drew Nacino