Pumalo na sa mahigit isang bilyong piso ang naipamahaging cash assistace ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mahihirap na estudyante sa bansa.
Ayon sa DSWD, umaabot na sa kabuang P1, 033, 610 800 ang educational assistance sa mga indigent learners mula noong August 20 hanggang kahapon September 17, 2022.
Tinatayang nasa 414,482 students ang nabigyan ng ayudang ito na kinabibilangan ng 136,349 College students, 58,502 Senior High School, 92,856 Junior High School, at 126,775 Elementary students.
Matatandaan na nitong nakalipas na Setyembre a-10, inanunsyo ng DSWD na itinigil na nila ang online registration para sa educational assistance program para sa mga kapus palad na mag-aaral bunsod narin ng mataas na bilang ng mga aplikasyon at limitadong pondo.