Umabot na sa mahigit isang bilyong piso ang naipamahaging education cash assistance ng DSWD sa mga indigent na estudyante.
Simula ito noong Agosto 20 hanggang nitong Sabado, Setyembre 17.
Nasa 414,482 students na ang nakinabang sa programa, na binubuo ng 136,349 college students; 58,502 senior high school; 92,856 junior high school at 126,775 elementary students.
Nito lamang Setyembre 10, inanunsyo ng DSWD na isinara na ang online application para sa nasabing ayuda dahil sa mataas na volume ng aplikasyon kumpara sa limited available funds.