Natanggap na ng Oriental Mindoro ang limang truck ng medical oxygen tank mula sa Department of Health.
Nakinabang dito ang Oriental Mindoro Provincial Hospital kung saan nakakuha ito ng 204 oxygen tanks, habang 40 tanks naman ang napunta sa Oriental Mindoro Central District Hospital, 22 sa Oriental Mindoro South District Hospital, 20 sa Pinamalayan Doctors Hospital, 12 sa R. Umali Hospital, at maging ang mga Rural Health Unit.
Sa kabila nito, sinabi ni Oriental Mindoro Provincial Hospital Chief Dr. Dante Nuestro na hindi pa rin sapat ang dumating na suplay ng oxygen tanks.
Inaasahan namang dadating ngayong linggo ang 1,000 medical oxygen tank na binili ng pamahalaang panlalawigan. —sa panuiat ni Hya Ludivico