Hindi dapat isantabi ang naipanalong arbitral ruling ng Pilipinas at nagpatibay sa pag-angkin ng bansa sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang naging pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Teodoro Locsin Jr. kasunod ng tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikinukunsidera nito ang suhestiyon ni Chinese President Xi Jinping na isantabi na ang naturang arbitral ruling at pagpapahintulot ni Duterte sa mga Chinese companies na tumulong sa paglinang ng teritoryo.
Binigyang diin din ni Locsin na pinal na ang ruling at umiiral sa international tribunal.
Kung nais aniyang abondonahin ito ay dapat na harapin ang kahihinatnan nito.