Hahabulin ng mga opposition congressmen ang naipasang 2016 national budget dahil sa paniwalang hindi nabusisi ng husto ang detalye ng pondong gagamitin sa susunod na taon.
Sinabi sa DWIZ ni Congressman Jonathan Dela Cruz na mayroong period of amendment para mailahad nila ang mga nais na maamiyendahan sa pambansang budget.
May special provisions aniya sa 2016 budget na kung tawagin ay “project modification”, lump sum at savings.
AUDIO: Rep. Jonathan Dela Cruz
Yolanda donations
Hinahanap din ni Abakada Party-list Represenatative ang bilyon bilyon pisong inilaan ng gobyerno para sa Yolanda victims pati na rin ang dinasyong ibinigay ng iba’t ibang bansa.
Aniya, hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng permanenteng tahanan ng gobyerno ang mga Yolanda survivors at napapabayaan ang mga donasyong gamot mula sa iba’t ibang bansa.
AUDIO: Rep.Jonathan Dela Cruz
Sinabi ni Dela Cruz na kailangang linawin ang mga isyung ito para magkaroon ng kalinawan sa publiko.
By: Aileen Taliping (Patrol 23) | Todong Nationwide Talakayan