Budget na tumutugon sa pangangailangan ng bayan, makatao at nangangalaga.
Ganito isinalarawan ni Senate Committee on Finance Chairman Loren Legarda ang naipasang 2018 budget sa Senado na nagkakahalaga ng 7.767 Trillion Pesos.
Ilan sa mga nilalaman nito ay ang 60 Billion Pesos na inilaan para sa umento sa sahod ng uniformed personnel gaya ng mga pulis at military.
51 Billion Pesos para sa libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges, Local Universities and Colleges at Technical Vocational.
Naglaan naman ng Sampung Bilyong Piso para sa rehabilitasyon ng Marawi sa susunod na taon.
Ayon kay Legarda kung kukulangin ang nasabing pondo para sa Marawi, ay handa silang maghanap pa ng karagdagang pondo hangga’t hindi di natatapos ang rehabilitasyon at rekonstruksyon sa Marawi.