Sumadsad sa 59% ang mga naisagawang tuberculosis testing noong isang taon dahil sa COVID-19 pandemic na nagkaroon ng malaking epekto sa health care system ng bansa.
Ayon sa Department Of Health, mula sa isang milyon na TB testing noong 2019, lumagpak ito sa 556,000 noong 2020.
Inihayag ni Health Undersecretary Mario Villaverde na pababa ang trend mula pa noong 2018 na mayroon namang 1. 1 milyon na pasyenteng nagpa-test laban sa tuberculosis.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng DOH na magpapatuloy ang kanilang TB vaccination at handa rin sa mga posibleng adjustments upang maipagpatuloy ang programa kahit may pandemya.—sa panulat ni Drew Nacino