Mas kakaunting aksidente na lamang sa EDSA ang naitatala simula nang magmando sa daloy ng trapiko rito ang mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group nitong Lunes, September 7.
Ayon ito kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant General Manager for Operations Emerson Carlos.
Sinabi ni Carlos na nakapagtala sila ng 23 vehicular accidents sa EDSA noong Lunes at kahapon kumpara sa 27 na nai-record nila nitong nakalipas na weekend.
Kasabay nito, ipinabatid ng MMDA na batay sa partial report, nasa halos 300 insidente lamang ng apprehensions ang ginawa ng HPG sa unang dalawang araw nang pagmamando sa trapiko sa EDSA.
Adjustments
May mga adjustments ang PNP-HPG hanggang aabot target na mapagaan daloy ng trapiko sa EDSA.
Isa sa pinagtutunan pagpapatupad ng tactical adjustment kung kinakailangan batay na rin sa assesment ng team leaders na ipinakalat nila sa mga lansangan.
Inamin naman ni Marquez may traffic issues na kailangang mapagbuti at kanila namang tinututukan ngayon.
Natukoy na rin PNP kung anong kalsada o u-turn slots ang kailangang ipasara at kailangang lagyan na rin ng barrier habang isang lane ilalaan sa service vehicles para hindi umukupa sa yellow lane na itinakda naman sa mga pampublikong bus.
Naniniwala si Marquez na dapat magtulungan ang lahat ng ahensya at makiisa sa traffic management sa EDSA.
By Judith Larino | Jonathan Andal