Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit tatlong libong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department Of Health o DOH, nasa 67,061 ang aktibong kaso ng virus sa Pilipinas.
Nasa 2, 735, 369 ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa bansa.
Habang nasa 2, 627, 331 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 228.
40, 977 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos na maitala ang limang panibagong mga nasawi sa virus.