Pumalo na sa 9,219 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y ayon sa PNP health service ay matapos madagdagan ng 37 ang bilang ng mga bagong kaso ng virus sa kanilang hanay kahapon.
Siyam ang naitala sa national headquarters sa Kampo Crame, anim naman mula sa National Operations Support Unit habang lima ang naitala sa Eastern Visayas PNP.
Tig-tatlo naman ang naitalang bagong kaso sa Cagayan Valley at CALABARZON, tig-dalawa ang naitala sa National Administrative Support unit at Cordillera PNP.
Habang tig isa ang naitala sa NCRPO, Ilocos Region, Western Visayas, Central Luzon, Soccsksargen, Caraga at Bangsamoro Autonomous Region.
Mula sa kabuuang bilang, 330 rito ang aktibong kaso matapos magtala ng 31 bagong gumaling sa sakit kaya’t umakyat na sa 8,861 ang total recoveries nito.
Habang nananatili naman sa 28 ang bilang ng mga tauhan ng PNP na nasawi bunsod ng nasabing virus.