Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na hindi pa sila naglalabas ng ulat ng kaso ng Covid-19 sa ilang paaralan sa gitna nang pagpapatuloy ng face-to-face classes.
Ayon kay DepEd spokesman Micheal Poa, inasahan na nilang may magpopositibo dahil sa face-to-face na ang klase ng mga mag-aaral at guro.
Sa kabila nito, mahigpit na ipinapatupad ng mga paaralan ang minimum public health standards, gaya sa Batasan Hills National High School sa Quezon City na may 8k estudyante ang naka-enroll.
Sa ilalim ng DepEd order no. 34, hindi makapapasok sa paaralan ang estudyante kung may sintomas ng COVID-19 sa halip ay ililipat sa modular class.
Samantala, sa ilalim ng DepEd order no. 39, inaatasan ang mga paaralan na palakasin ang community monitoring measures at referral system sa Local Government Unit (LGU) at health centers. —sa panulat ni Jenn Patrolla