Pumalo na sa apat na milyon ang Covid-19 tally sa Pilipinas habang mahigit isang libo ang panibagong kaso.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) umakyat sa 21,685 ang aktibong kaso noong Huwebes.
Mahigit na tatlong milyon ang recovery tally habang 38 ang bagong nasawi.
Nangunguna pa din ang National Capital Region (NCR) na may 5,944, sinundan naman ito ng CALABARZON na may 3,478, Central Luzon na may 2,037, habang ang Western Visayas na may 1,689 at Davao Region na may 1,226. —sa panulat ni Jenn Patrolla