Kinumpirma ni PNP Anti Kidnapping Group Director Senior Superintendent Manolo Ozaeta na 32 katao ang naging biktima ng pagdukot mula buwan ng Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Batay sa datos ng PNP Anti-Kidnapping Group, aabot sa 22 insidente ng pagdukot ang kanilang naitala sa buong bansa sa loob ng 10 buwan.
Naitala ang pinakamaraming biktima ng kidnapping sa National Capital Region na umaabot sa 8, Anim (6) sa Region 9 at Region 10, Lima (5) sa ARMM, Lima (5) rin sa Region 3, isa sa CAR, at isa rin sa Region 1.
Dagdag pa ni Ozaeta, sa bilang na 32 biktima ng pagdukot, napalaya na ang 21 kung saan 19 dito ay mga Pilipino, 2 Chinese, 2 Indian, at 1 Korean.
Samantala, nananatiling bihag ang 7 iba pa kung saan 5 ay Pinoy at 2 ay Koreano.
Swerte namang nailigtas ang 3 mga Pinoy pero napatay naman ang isang bihag na Pinoy.
Kaugnay nito muling nagpaalala ang PNP Anti-Kidnapping Group sa publiko na protektahan ang mga sarili laban sa mga kidnaper.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal