Tumaas sa 2,794 ang kaso ng leptospirosis sa bansa mula Enero 1 hanggang Oktubre 29.
Ayon kay Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, tumataas ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis dahil sa panahon ng tag-ulan.
Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, panginginig, pananakit ng ulo at kalamnan, namumulang mata, pagsusuka, at paninilaw ng balat at mata.
Aabot sa 68% ang bilang ng leptospirosis na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon na nasa 1,661.
Umabot din sa 370 ang nasawi mula sa 178 noong 2021.
Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa pagtaas ng kaso ng letospirosis mula sa kontaminadong ihi mula sa mga daga at hayop na infected ng bacteria leptospira. —sa panulat ni Jenn Patrolla