Mas tumaas pa ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ang magandang balita ay base sa pinakahuling update ukol sa COVID-19 situation na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, Abril 28.
Ayon sa DOH, umabot na sa 975 ang kabuuang bilang ng mga pasyente na nakarekober mula sa COVID-19.
Bunga ng 43 bagong recoveries, mas mataas pa rin ang bilang ng mga gumaling sa sakit kumpara sa mga pumanaw.
Nakapagtala naman ang DOH ng 19 na bagong bilang ng mga namatay sa sakit dahilan upang umakyat na ngayon ang COVID-19 death toll sa 530.
Kasabay nito, iniulat din ng DOH na nakapagtala rin sila ng panibagong 181 cases sa nakalipas na magdamag, kaya’t umabot na ngayon sa 7,958 ang kabuuang confirmed COVID-19 cases sa bansa, mula sa 7,777 cases kahapon.