Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) isang araw bago mag-Pasko.
Batay sa huling datos ng PITX, umabot sa 33,000 pasahero ang naitala.
Inaasahan naman na madadagdagan pa ito sa susunod na araw.
Nag-abiso naman ang PITX sa mga mananakay na habaan ang kanilang pasensya dahil sa dagsa ng mga pasahero. —sa panulat ni Jenn Patrolla