Bumagsak ng halos 50% ang naitatalang blocked bank-related scam at spam messages ng Globe sa unang anim na buwan ng taong ito.
Batay sa record nang nangungunang digital solutions platform, nasa 4.85 million na lamang ang bank related scam at spam messages mula Enero hanggang Hunyo kumpara sa 9.06 million sa parehong panahon nuong nakalipas na taon.
Sa ikalawang quarter pa lamang, bumaba na sa halos 780,000 ang mga nasabing scam at spam messages mula sa 5.1 million na naitala sa April hanggang June 2022.
Binigyang-diin ni Anton Bonifacio, Globe Chief Information Security Officer na ang pagbaba sa fraudulent messages ay patunay lamang ng commitment ng Globe para protektahan ang consumers mula sa online threats bukod pa sa kapangyarihan ng collaboration sa pagitan ng industry leaders at regulators para labanan ang cyber fraud.
Iginiit din ni Bonifacio ang mahalagang papel ng strategic partnerships ng globe sa banks at financial institutions para epektibong masuwata ang mga panloloko online.
Bukod sa pagbuo ng strategic partnerships tuluy-tuloy ang pag-i-invest ng Globe sa advanced technologies at iba pang channels para ma-streamline ang pagre-report ng spam at scam SMS at ma-filter ang mga ito sa kanilang network bilang bahagi na rin nang pagbuo ng safer digital environment para sa consumers nito.
Nuong isang taon ay lumagda ang Globe sa isang Memorandum of Understanding sa Bankers Association of the Philippines at maging sa hiwalay na kasunduan sa mga malalaking bangko para pangasiwaan ang mas efficient alerting mechanism, seamless data sharing at mabilis na pag-filter ng fraudulent activities.