Umakyat na sa 105 ang kabuuang bilang ng casualties na naitala ng Philippine National Police (PNP) bunsod ng pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa.
Batay sa datos ng Pnp, umabot na sa 53 ang bilang ng mga nasawi mula sa NCR, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region at Cordillera.
52 naman ang naitala nilang sugatan sa pananalasa ng bagyo mula sa mga lugar ng Cordillera, Central Luzon, Bicol at Calabarzon.
Habang nasa 22 naman ang bilang ng mga naitalang nawawala ng PNP sa mga lugar ng NCR, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region at Cordillera.
Aabot naman sa mahigit 117,000 indibiduwal ang nasagip ng PNP mula sa Cordillera, NCR, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region.