Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mababa o maliit na numero lamang ang naitalang casualties sa Northern Mindanao bunsod ng low pressure area at shearline.
Ayon kay PBBM, agad na natugunan ang immediate concern ng mga residente partikular na sa Misamis Oriental na isa sa mga lugar na nakaranas ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.
Sinabi ng pangulo na ang tulong at suporta ng lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad ay nagbigay ng malaking ambag para sa mga pamilyang nananatili parin sa mga evacuation centers.
Batay sa huling datos ng PDRRMO, nadagdagan ng dalawa ang bilang ng mga nasawi, habang pito ang naitalang nasugatan sa Gingoog.
Sa kabuuan, pumalo na dalawampung katao ang nasawi kabilang na ang walo sa Oroquieta City, Misamis Occidental.