Pumalo na sa 1,154,388 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang karagdagang 4,487 na mga bagong kaso ng virus.
Sa naturang bilang nasa 52,291 o 4.5% naman ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kaparehong datos, umabot na rin sa 1,082,725 o nasa 93.8% ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, makaraang gumaling ang karagdagang 6,383 na indibidwal.
Samantala, nasa 110 naman ang napaulat na nasawi na umakyat na sa 19, 372 o 1.68% ang COVID-19 related deaths sa bansa. — sa panulat ni Rashid Locsin.