Isinisi sa Balik Probinsya Program ang pagpasok ng COVID-19 sa Marawi City.
Ayon kay Bangsamoro Transition Authority Parliament Member Zia Alonto Adiong, may 9 na kaso na ngayon ng COVID-19 sa Marawi City dahil sa mga nagbalik probinsya mula sa Metro Manila.
Ang mga pasyente aniya ay pawang beneficiaries ng balik probinsya program dahil wala namang local transmission sa syudad.
Sa ngayon anya ay nasa quarantine facility na ang mga COVID-19 patients para sa mahigpit na monitoring.