Tumaas ang bilang ng mga naitalang kaso ng mga ‘infectious’ o nakahahawang sakit ngayong taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon ay naitala na ang 167 kaso ng mga nakahahawang sakit kung saan 40 rito ang nasawi.
Mas mataas ito kumpara sa 122 kaso at 30 death cases na naitala noong kaparehong buwan noong nakaraang taon (2018).
Dagdag pa ng DOH, iniimbestigahan pa kung ano ang partikular na dahilan ng paglobo ng kaso ng mga nakahahawang sakit sa bansa.