Umabot sa 4.9% ang naitalang inflation rate noong buwan ng Agosto.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Dennis Mapa, ito’y dahil mas bumili pa ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.
Kabilang dito ang pagkain, non-alcoholic beverages, pabahay, transportasyon at iba pang mga serbisyo.
Mababatid na ang bagong naitalang inflation sa bansa ay maituturing na pinakamabilis para sa taong ito.
Samantala, naniniwala naman ang mga eksperto na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at mga epekto ng lockdown sa bansa ang mas nagpalala sa pagmahal ng mga bilihin.