Bumilis sa ika-apat na sunod na buwan ang inflation at umakyat sa pinakamabilis na antas sa nakalipas na dalawang taon sa gitna nang mabilis ding pag-akyat sa presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong buwan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) rumehistro sa 4.2% ang inflation noong isang buwan kumpara sa 3.5% noong December 2020.
Ipinabatid ng PSA na ang January inflation ang pinakamabilis na naitala simula noong February 2019 kung kailan nai-record ito sa 4.4%.