Tila akyat baba ang naitatalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ng Department of Health kada araw, matapos makapagtala ng 12,225 na bagong kaso ngayong Biyernes.
Bunsod nito, pumalo na sa 840,554 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 178,351 naman ang aktibong kaso.
Samantala, 647,683 naman ang kabuuang bilang ng lahat ng gumaling na at 14,520 ang lahat ng nasawi.
Magugunitang nakapagtala kahapon ang DOH ng kabuuang 9,216.—sa panulat ni Agustina Nolasco