Bumaba pa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa NCR.
Sa datos na inilabas ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, mula October 4 hanggang 10 ay bumaba sa 1,984 ang average daily cases ng mga naitatalang kaso sa rehiyon.
Mas mababa ito ng 36% sa 3,126 na average daily cases na naitala mula September 27 hanggang October 3.
Aniya, malayo na rin ito sa “peak” na naitala ng ahensya noong September 5 hanggang 11 na umabot sa 5,714.—sa panulat ni Hya Ludivico