Bumaba ang mga naitatalang krimen sa Metro Manila sa unang walong buwan ng 2022 kumpara nuong nakaraang taon.
Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Brigadier General Jonel Estomo na mula sa 5,202 cases ng 8 focus crime nuong 2021 ay nakapagtala na lamang ng 4,984 ngayong taon.
Kabilang dito ang insidente ng murder, carnapping, robbery at rape kung saan tumaas din ang bilang ng mga naresolbang kaso sa 71% mula sa 68%.
Samantala, tiniyak naman ng NCRPO na nagpapatuloy ang kanilang programa sa ilalim ng “Safe NCRPO” para matiyak ang seguridad sa National Capital Region (NCR).