Nakapagtala ang Department of Health (DOH) mula Agosto a-uno hanggang a-siete ng 27,331 na bagong ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa DOH, ang average daily cases ngayong linggo ay nasa 3,904, mas mataas ng 13% kumpara sa mga kaso na naitala noong nakaraang linggo.
Nabatid na 76 sa mga karagdagang kaso ang may malubha at kritikal na karamdaman, habang mayroon namang naitalang 80 na pumanaw.
Samantala, higit 71 million na mga indibidwal o 92.06% na ng target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 16.6 million naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.