Umakyat na sa 67 katao ang naitalang nasawi sa Maguindanao sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon sa Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (BARMM-READI), na hindi bababa sa 50 kataong nasawi ang naiulat dahil sa pagguho ng lupa sa isang nayon na mula sa bayan ng Datu Blah Sinsuat at Upi Maguindanao Del Norte.
Tatlumput isa naman ang sugatan sa Datu Odin Sinsuat habang lima ang nawawala.
Ayon sa Situational Report (SITREP) 2, may kabuuang 115,437 pamilya o 572,185 indibidwal ang naapektuhan sa 126 na barangay sa Maguindanao at Cotobato City. —sa panulat ni Jenn Patrolla