Pumalo na sa 14 katao ang naitalang nasugatan dahil sa paputok mula lamang noong December 21
Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque the third, apat sa naturang kaso ay mula sa National Capital Region habang ang isa ay sa Bicol Region
Isa din sa naputukan ang kaso ng 29 anyos na lalaki mula sa Pangasinan ang naputulan ng kamay matapos masabugan ng boga na isang improvised cannon
Nangunguna naman ang Piccolo sa datos ng DOH bilang pangunahing dahilan kung saan naputukan ang mga biktima na sinundan naman ng bawang, boga at luces
Ito ay sa kabila ng pagpapatupad ng Executive Order no 28 na naglilimita ng paggamit ng paputok sa mga komunidad
Kaugnay nito, muling umapela si Duque sa mga magulang na bantayan ang kanilang anak at pagbawalan sa pagpapaputok