Umabot na sa lima ang naitalang nasugatan dahil sa paputok mula lamang nuong Disyembre 21 hanggang 24.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque the Third, apat sa naturang kaso ay mula sa National Capital Region habang ang isa sa Bicol Region.
Tinukoy ni Duque na paputok na Piccolo pa rin ang syang pangunahing dahilan ng pagkasugatan ng mga biktima.
Ipinagmalaki naman ng kalihim na higit na mababa ang naturang bilang kumpara sa naitala nuong nakaraang taon.
Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Duque ang mga magulang na bantayan at pagbawalan ang kanilang mga anak sa pagpapaputok.