Nasa mahigit 23,000 pagpatay na ang naitatala magmula nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte.
Ayon sa datos ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management na nasa kabuuang 23,327 ang naitalang homicide cases mula July 2016 hanggang May 2018.
Katumbas ito ng 33 kaso ng napapatay kada araw.
Sa naturang bilang 2,649 ang may kaugnayan sa droga habang mahigit 10,000 ang non drug related.
Samantala, aabot naman na sa mahigit 143,000 drug personalities na ang naaaresto sa may mahigit 99,000 anti drug operations na ikinasa ng mga awtoridad.
—-