Umabot na sa higit 300 katao ang naitalang sugatan sa pananalasa ng bagyong Ursula.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), 362 ang kabuuang bilang na kanilang naitala.
Lima ang mula sa MIMAROPA, 25 sa Region 6 at 332 naman sa Region 8.
Samantala, umabot na higit kalahating milyong pamilya ang naapektuhan ng pananalanta ng bagyo.