Umabot na sa 623 ang naitalang typhoid fever cases sa Negros Occidental mula nang mag-umpisa ang taon.
Ayon sa Provincial Health Office, ang mga kaso ay mula sa 29 na mga bayan at lungsod sa lalawigan.
Umabot naman sa anim ang nasawi dahil sa nasabing sakit.
Dahil dito, napagkasunduan ng provincial health board na bumuo ng “food and drinking water quality monitoring committee” sa bawat lokal na pamahalaan.
Nabatid na 11 lamang ang may monitoring committee mula sa 31 bayan at lungsod sa probinsya.