Inanunsiyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na sumampa na sa 2,406 ang naitalang aftershocks kasunod ng pagtama ng magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra noong nakaraang linggo.
Ayon kay PHIVOLCS Undersecretary Renato Solidum, ang mga naitalang aftershocks ay may lakas na mula magnitude 1.4 hanggang 5.1.
Patuloy naman na nagpapaalala ang ahensya sapubliko na maging alerto dahil inaasahan na ilang linggo pang mararanasan ang mga aftershocks sa mga lugar na tinamaan ng pagyanig.