Tuluy-tuloy ang naitatalang aktibidad ng Bulkang Taal.
Ayon sa volcano bulletin ng PHIVOLCS, 11 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.
Bukod dito, patuloy din ang pagbubuga ng steam laden plumes ng Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag na umaabot sa 50 metro hanggang 100 metro ang taas.
Nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal kung saan sakop ng permanent danger zone ang Taal Volcano Island kaya’t bawal pa ring makapasok dito.
Sinabi ng PHIVOLCS na posible pa ring makaranas ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ash fall at expulsions ng volcanic gas.