Nananatiling malayo pa sa pre-pandemic levels ang naitatalang average daily arrivals sa bansa.
Ito ay sa kabila ng mas pinaluwag na restriksyon ng gobyerbno para sa mga indibidwal na papasok ng bansa.
Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, sa ngayon, nasa 15,000 ang average daily arrivals ng bansa na pawang dayuhan at Pilipino.
Aniya, higit na mababa ito kumpara noong 2019 kung saan pumalo sa 45,000 arrivals per day ang naitala ng BI.
Pero dahil ibinaba na ang requirements sa mga dayuhang papasok ng bansa, positibo si Sandoval na tataas pa arawang bilang ng mga indibidwal na lumalapag ng bansa.