Bumaba na ng tuluyan ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa lahat ng lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow dr. Guido David, wala nang lungsod sa NCR na sumasampa sa isang-daan ang naitatalang bagong kaso.
Nangunguna sa bilang ang Quezon City na may 65 bagong kaso at sinundan ng Maynila na mayroong 46 na bagong kaso.
Dahil dito, bumaba na sa low-risk classification ang Metro Manila at inaasahang bababa pa sa very-low risk classification sa Marso. – sa panulat ni Abigail Malanday