Itinakbo sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang isang lalaki matapos matamaan ng kuwitis sa likod, ilang minuto matapos ang pagsalubong sa bagong taon.
Sinabi ni Dr. John Paul Ner, tagapagsalita ng EAMC, ikalawang kaso ito ng fireworks-related injuries sa ospital.
Bukod pa rito, hindi umano gumagamit ng paputok ang pasyente habang wala namang naitalang kaso ang ospital ng firecracker poisoning.
Matatandaang sinabi ng pamunuan ng ospital na handa sila sa pagdagsa ng mga pasyente na magiging biktima ng paputok.
Samantala, nakapagtala ng 15 kaso ng mga pasyente na isinugod sa ospital dahil sa aksidente sa daan.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH) pumalo na sa mahigit 85 ang kabuuang kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon