Bumaba ang bilang ng mga nadadapuan ng Middle East Respiratory Syndrome – Corona Virus o MERS-CoV sa Saudi Arabia.
Ito ang inihayag ni Health Minister Khaled Al-Falih sa harap ng may 1.2 milyong Muslim na dumalo sa Haj Pilgrimage sa Mecca.
Ayon kay Al-Falih, bagama’t may dalawang bagong kaso ng MERS-CoV sa Riyadh ay nabawasan naman ang bilang ng mga nahawahan ng naturang sakit noong nakaraang buwan.
Ilan sa mga sinasabing sanhi ng pagbaba ng bilang ng mga nadadapuan ng mers-cov ay ang pagpapaigting ng kampanya laban dito at ang pagbabawal sa pagkatay ng mga kamelyo sa mga kalunsuran.
By Jelbert Perdez