Posibleng tumagal nang hanggang isang buwan ang mataas na bilang ng COVID-19 cases sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.
Ipinaliwanag ni Professor Guido David ng OCTA research group na karaniwang inaabot ng isang buwan ang surge sa isang lokalidad.
Gayunman, maaaring tumagal ng dalawang buwan bago ma-contain ang pagdami ng kaso kahit mayroong heightened restrictions gaya nang nangyari sa Metro Manila at Cebu City.
Magugunitang tinukoy ng nabanggit na independent group ang mga lungsod ng Cagayan De Oro, General Santos, Koronadal, Cotabato at Davao bilang “areas of concern” dahil sa mataas na bilang ng infections.
Ibinabala naman ni Professor Ranjit Rye na miyembro rin ng OCTA, na sakaling posibleng tumaas din ang hospital occupancy rates sa mga naturang lugar kung walang ilalatag na aksyon tulad ng pagpapadala ng karagdagang health worker at medical equipment. —sa panulat ni Drew Nacino