Limang volcanic earthquakes lang ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24- oras.
Ipinabatid ng PHIVOLCS na nasa kabuuang 718 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Taal simula nang mag-alburuto ito noong January 12.
Subalit sinabi ng PHIVOLCS na nananatiling nasa Alert Level 4 ang Bulkang Taal sa kabila ng tila pananahimik nito.
Nangangahulugan ito, ayon sa PHIVOLCS, na posible pa ring magkaroon ng hazardous explosive eruption sa susunod na mga oras o araw.
Dahil dito, patuloy ang paalala ng PHIVOLCS na dapat ipatupad pa rin ang total evacuation sa Taal Volcano Island at sa mga high risk areas na una nang tinukoy sa hazard maps at nasa loob ng 14-kilometer radius mula sa main crater ng bulkan.