Nagmistulang “mass disaster” ang mga hindi pa nakukuhang labi ng mga namatay na new bilibid prison inmates.
Ayon kay Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortun, nakatakda siyang magsagawa ng autopsy sa mga namatay na bilanggo ngayong linggo.
Sa kanyang paunang inspeksyon noong nakaraang taon, napag-alamanan niyang 120 labi ang nanunuyo na habang nasa limampung bangkay ang maaari pang suriin.
Nasa proseso pa aniya siya ng pagsusuri sa sanhi ng pagkamatay ng mga ito.
Nang tanungin kung may naganap na foul play, sinabi ni fortun na mangangailangan pa ng kabuuang ebidensya upang mapatunayan ang tunay na paraan ng kanilang pagkakamatay. - sa panunulat ni Hannah Oledan