Mahigit sa kalahati pa ng 2016 national budget ang uubrang magamit ng bagong administrasyon hanggang Disyembre.
Ipinabatid ito ni Budget Secretary Benjamin Diokno dahil batay sa kanilang nakita ay nasa P1.5 trillion pesos pa ang naiwang pondo ng administrasyong Aquino.
Samantala, inihayag ni Diokno na hindi pa niya masabi kung magkano ang pondong hihingin nila sa Kongreso para sa susunod na taon dahil hindi pa sila nag-uusap ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Tikom pa ang bibig ni Diokno kung paano mababayaran ang utang ng nakalipas na administrasyon na pumapalo sa P4 trillion pesos.
By Judith Larino