Hindi muna inirerekomenda ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate ang panawagan na agad mag – resign ang mga opisyal ng Department of Transportation o DOTr na in – charge sa maintenance ng MRT – 3.
Ito’y sa kabila ng mga aberya sa MRT – 3 kabilang na ang paghiwalay ng bagon na papuntang Ayala at napilitang bumaba at maglakad sa riles ang mga naiwang pasahero.
Ayon kay Zarate, kamakailan lamang ang pag – take over ng DOTr sa MRT – 3 matapos na suspendihin ang maintenance contract ng Busan Universal Rail Incorporated o BURI.
Pagkatapos aniya ng anim na buwan na napasailalim ang maintenance ng MRT – 3 sa gobyerno ay saka nila titingnan kung ano ang dapat na gawin o kung dapat na magbitiw na ang mga nasabing opisyal.