Aabot sa 500 Overseas Filipino Workers (OFW)’s ang naka quarantine sa dalawang quarantine ships sa Manila South Harbor at sa Eva Macapagal Terminal.
Ang mga nasabing pasilidad ay pinangangasiwaan ng Department of Transportation (DOTr), Philippine Ports Authority, Coast Guard at Marines katuwang ang Lopez Group of Companies, 2GO at Asian Terminals Incorporated.
Ipinabatid ng DOTr na mayruong 255 OFW’s sa isa sa mga barko, 77 sa isa pa at 204na OFW’s naman ang nasa Eva Macapagal Terminal.
Simula Abril 11 ay mayruon nang 48 OFW’s na naka kumpleto ng 14-day mandatory quarantine.